Akala yata ng nakakarami, masarap ang mamuhay sa ibang bansa.

Masasabi kong may iba’t ibang estado ang pamumuhay ng isang OFW (overseas Filipino worker). Mapalad kung tawagin ang mga OFW na mayroong maayos na trabaho at mataas na suweldo. Bukod sa natutustusan nila ang pangangailangan ng kanilang pamilya, nagagawa din nilang tugunan ang mga pansariling pangangailangan o bisyo kung tawagin.

Di Biro ang Maging OFW
Isa sa ating kababayan na nagtratrabaho sa Middle East na nagkaroon ng pagkakataong mag explore muna sa Dubai upang makapagpahinga pansamantala mula sa pagtratrabaho ng malayo sa pamilya. (Exploring Dubai by Avelino Gozum)

May mga kapwa OFW din tayong namamasukan bilang isang kasambahay. Suwertihan kung ikaw ay makakakuha ng isang mabait na amo na kung ituring ay isang kapamilya at di iba sa kanila’, Kung sasamain at ikaw ay mapadpad sa mga salbaheng amo, nanduong pagmalupitan ka. Totoo ang mga balitang may mga katulong na di pinapakain ng tama at di pinapayagang lumabas or makisalamuha sa iba. Naruon ang saktan ng walang dahilan, at kung talagang sasamain nariyang iba ay ginagahasa at napapatay pa at may mga pagkakataong nakakaisip silang takasan ang ganitong sitwasyon.

Kaya marami ang nagiging runaway maids at minsan ang pagkitil sa buhay ang naiisip nilang gawin para matakasan ang ganitong sitwasyon. Isa sa mga mahirap ding pagkakataon ay kung ikaw ay magkakasakit, Di madaling ma-ospital at ni isa sa mga kamag anak mo ay wala dito. Walag aagapay, sayo, walang magbabantay sayo at walang magpapakain sayo habang ikaw ay nakaratay sa ospital, suwerte lang kung may mga kaibigang dadalaw sayo. Ngunit di rin naman sila makakatutok sa ‘yo sa kadahilanag sila ay nagtatrabaho din.

Sa mga OFW naman na pamilyadong tao, di alintana ang pangungulilang nararamdaman ng bawat isa. Minsan ang pangungulilang ito ang nagiging mitsa ng pagkasira ng pamilya. Di ko nilalahat pero marami sa mga OFW ang naliligaw ng landas sa sobrang pangungulila.

May mga pagkakataong nagagawa nilang pagtaksilan ang kanilang pamilyang naiiwan sa ‘Pinas. Sa kabila nito, may mga pamilya pa rin na maayos. May ibang tuluyan nang nawawasak.

Di madaling maging isang OFW, maraming pagsubok at di lahat ay nagtatagumpay.


Advertisement

Advertisement


Ikaw kabayan, mangingibang bansa ka pa ba o mananatili na lang sa ating bayan?

Rainelda Garcera

Si Rainelda ay walong taon nang naninirahan sa Kuwait kung saan siya ay nagtratrabaho bilang customs service advisor. Habang siya ay nagtratrabaho kasama ang kaniyang asawa bilang mga OFWs, kanila munang dinala ang kanilang dalawang anak sa kaniyang mga magulang sa Iloilo.