“Wow sosyal!” ito na ang reaksyon ng nakararami tuwing nalalamang ikaw ay isang OFW.


Advertisement

Advertisement


Pero ano nga bang klaseng buhay meron ang isang OFW, o Overseas Filipino Worker?

Para sa akin, mayroong dalawang mukha ang OFW: isang “Purdoy” (i.e. poor OFW) at sabihin na nating yung “Matinik”  (i.e. wise OFW ).

Umpisahan ko sa “Purdoy” na OFW.  Ito yung tipo ng OFW na ubos ubos biyaya, kung tawagin nga si bilmoko n’yon, bilmoko n’yan.

Kasasahod lang makikita mo na sila sa mga shopping centers, walang humpay ng kabibili. Kain dito, kain duon.

Bigay luho sa mga kamag-anakan kahit ‘di importante masabi lang uy! imported yata ito!

Buhay OFW - 2 Klase ng OFW2

Hanggang sa maubos ang kanilang pera, basta nasa uso, sige lang ng sige. ‘Yun ang importante sa kanila, mga taong di inaalintana ang kanilang kinabukasan.

Matinik na OFW naman kung tawagin ang mga OFW na walang hinangad kung hindi umangat ang kanilang buhay at magkaroon ng magandang kinabukasan.

‘Di bale nang magtipid basta may ipon. ‘Di bale nang wala sa uso basta may sariling bahay. ‘Di bale nang kumain ng tipid meals basta may pang tuition ang mga anak.

Buhay OFW - 2 Klase ng OFW1

Kahanga-hanga ang mga taong may ganitong pag-iisip dahil siguradong handa sa anumang darating.

Oo, hindi biro ang pagiging OFW, mahirap ang lumayo at mangulila sa pamilya. ‘Di madali makisama at mangamuhan sa ibang lahi.

‘Di masusukat ang hirap at pagod sa araw-araw na pagtatrabaho.

Pero, hindi sa lahat ng panahon malakas ang ating pangangatawan, hindi lahat ng oras kaya nating bilhin ang lahat ng bagay.

Kaya, KABAYAN ‘dipa huli ang lahat! Pilitin nating mapabilang sa MATINIK NA OFW, ng maging maayos ang ating KINABUKASAN.

Rainelda Garcera

Si Rainelda ay walong taon nang naninirahan sa Kuwait kung saan siya ay nagtratrabaho bilang customs service advisor. Habang siya ay nagtratrabaho kasama ang kaniyang asawa bilang mga OFWs, kanila munang dinala ang kanilang dalawang anak sa kaniyang mga magulang sa Iloilo.