Anak, mag-aral kang mabuti!

Ito ang madalas marinig sa aming mga buhay abroad.
Mga OFW na walang takot makipagsapalaran sa ibang bansa.

Hindi biro mangamuhan sa ibang lahi.
Walang tumbas ang pangungulila at mapalayo sa ating pamilya.

Talagang, mahirap mamuhay sa ibang bansa nang mag- isa.
Pero lahat nang pagtitiis at hirap na yun ay aming kakayanin, para sa inyo mga anak!

Ang mabigay ang inyong pangangailangan at makita kayong masaya, ang inyong mga ngiti ang nagsisilbing aming mga lakas sa tuwing nakakaramdam ng pagod at pangungulila.

Ngunit mga anak, isa lang ang aming hiling,
ang makatapos kayo ng pag aaral.

Diploma rin naturingan para sa aming mga OFW ang makitang kayo’y nagsipagtapos.
‘Yun lang ang hinihingi naming sukli sa aming pangungulila, ang isang DIPLOMA!

Dahil alam naming katumbas nuon ay isang magandang kinabukasan.

OFW-Diploma-Feature

Rainelda Garcera

Si Rainelda ay walong taon nang naninirahan sa Kuwait kung saan siya ay nagtratrabaho bilang customs service advisor. Habang siya ay nagtratrabaho kasama ang kaniyang asawa bilang mga OFWs, kanila munang dinala ang kanilang dalawang anak sa kaniyang mga magulang sa Iloilo.