Malacanang on Pia Wurtzbach

Sadyang mahilig sa beauty pageant ang mga Pilipino. Mula ng panahong iilan pa lang na beauty pageant ang sinasalihan ng Pilipinas sa ibang bansa, hanggang sa ito’y dumami na, patuloy ang suporta ng ating mga kababayan sa ating mga pambato sa bawat laban na sasalihan ng ating mga likas na Pinoy beauties.

Kahit dumami na ang mga patimpalak na sinasalihan ng ating mga naggagandahang Bb. Pilipinas ay siyempre iba pa rin ang lebel ng prestihiyosong Miss Universe. Bukod sa ito ang kinikilala bilang isa sa pinakamalaking patimpalak ng talino at kagandahan, ito ay nilalahukan ng halos lahat ng nasyon sa mundo kaya’t hindi biro ang mapabilang dito.

Apatnapu’t dalawang taon na mula nang huling naiuwi ng Pilipinas ang korona. Sa loob ng nakaraang ilang taon, nakakapasok ang Pilipinas sa finals nguni’t nanantiling mailap ang korona. Sa taong ito, winasak ng half German-half Filipino na si Pia Alonzo Wutzbach ang pagkatigang sa panalo nang siya ang tanghaling pinakamagandang babae sa balat ng Universe sa 2015 Miss Universe pageant na ginanap sa Las Vegas, Nevada.

Hindi tulad ng mga naunang Miss Universe pageant, sinukat ang galing at talino ng mga kandidata, lalo na sa unang interview portion kung saan ang bawat kalahok at tinanong tungkol sa mga current events at isyu na umaapekto sa kanilang bansa — patunay ang dapat na manalo ay dapat may kaalaman at puso tungkol sa mga kaganapan sa mundong kanyang ginagalawan.

Hindi nagpadaig si Pia, na sumagot tungkol sa kanyang posisyon ukol sa pagtataguyod ng mga base militar ng US sa ating bansa. Lalo niyang pinahanga ang mga hurado sa kanyang pagsagot na siya ang dapat na tanghaling Miss Universe dahil sa kagustuhan niyang gamitin ang kanyang boses upang magpalaganap ng kaalaman ukol sa mga isyu tulad ng HIV at iba pang bagay na nakakaapekto sa mundo.

To be a Miss Universe is an honor and a responsibility. If I were to be Miss Universe, I will use y voice to influence the youth and I would raise awareness to certain causes like HIV awareness that is timely and relevant to my country, which is the Philippines. I want to show the world, the universe rather, that I am confidently beautiful with a heart. — Pia Wurtzbach, December 21, 2015

Ayos na sana, ngunit bago pa makoronahan ang ating pambato ay mistulang naging episode ng Wow Mali ang nangyari nang magkamali ang host at komedyanteng si Steve Harvey sa pagbasa ng nanalong kandidata. Una niyang nabasa bilang panalo ang pambato ng Colombia na si Ariadna Gutiérrez Arevalo bilang bagong Miss Universe ngunit plot twist na maituturing na matapos maipasa sa dalaga ang sash at korona ay muling bumalik si Harvey sa entablado upang linawin ang kanyang pagkakamali. Mistulang nagulat ang lahat sa kanyang naging paglilinaw ngunit agad na nagbunyi ang sambayanan sa paganunsiyo na si Pia ang tunay na nagwagi.

Agad namang humingi ng paumanhin ang host at inako ang kanyang pagkakamali ngunit mukhang talagang inaalat ang mama dahil maging sa kanyang Twitter apology ay nagkamali pa rin siya. Aniya:

Agad naman niya itong binago tulad ng ginawa niya sa live broadcast ngunit hindi pa rin siya nakalusot sa mga alaskador sa internet. Maging ang CNN ay isa sa mga nanguna sa pang aasar sa komedyante.


Advertisement

Advertisement


Mayroon din namang nagtanggol kay Pia mula sa mga nagsasabing hindi siya karapat dapat sa korona.

Panalo din ang mga nag edit pa ng larawan ni Justin Bieber na may sikat na kantang ‘Sorry.’

O iyong mga nakaalala sa rapper na si Kanye West noong tinalo ni Taylor Swift si Beyonce sa 2009 Video Music Awards.

Sa Facebook, naglipana din ang mga hugot lines tulad ng mga ito. isang araw makalipas ang pageant, higit isandaang libo pa rin ang gumagamit ng hastag na #MissUniverse2015 at nagbabahagi ng kanilang mga opinyon sa kaganapan.

On a scale of 1 to Colombia, gaano ka niya pinaasa? Siya nga na ganyan kaganda pinaasa, ikaw pa?

Ano’t ano man ang mga susunod na kaganapan, nagbubunyi ang bansang Pilipinas sa ipinamalas ni Pia, na tatlong beses sumali sa Bb. Pilipinas bago nagkaroon ng pagkakataong ipamalas ang kanyang galing sa mundo. May tamang panahon nga para sa lahat ng bagay at marami mang naging kaganapan sa Miss Universe 2015, hindi maipagkakailang ito ay magiging isa sa mga hindi malilimutang bahagi ng ating kasaysayan sa larangan ng paligsahan. Si Pia ay ikaapat sa mga pambato ng Pilipinas na nag uwi ng korona para sa bansa sa taong ito kasunod ni Miss International Queen 2015 Trixie Maristela, Miss Earth 2015 Angelia Ong at Miss Globe 2015 Ann Collis.

Angie Chui

ANGIE used to work for a leading Manila-based daily newspaper until she decided that the academe was a more refreshing environment for her. In her spare time, she enjoys blogging about her travels on www.budjetsetter.wordpress.com and writing about movies and books on www.itswynnesworld.com. Follow her exploits via social media @wynnesworld (twitter), @wynnesworld (Instagram) and Angie Chui on Facebook.