Maaring hindi nakakamatay ang trapik sa Metro Manila, pero ‘di ba nakakahibang na?

Tulad nito, bigla na lang yatang na-topak ang isang commuter at nag-share tuloy sa Facebook na “’di naman ‘worst’ ang traffic sa atin. ‘very bad’ lang. Maraming salamat sa MMDA.”

Aba, bigla na lang nagsunud-sunod ang mga reaksyon sa iba’t ibang mga netizen.

Napasigaw si Maria Torres “OMG.”

Sabi ni Rod Camit ,”Sige kotse pa more sa EDSA….”

Pero ayon kay Rebecca Rivera, “‘very lang’ seems encouraging.”

Kay Geo Marti, “It’s a thin line between bad and worst.”

Ang sagot ng gobyerno sa mga reklamador, ayon ay Jomar Arcia, ay “more patience at ito ay epekto ng booming economy.”

Kaya lang tatlong oras n’yang binuno ang Buendia hanggang Pasay Rotunda noong nakaraang BIyernes.

Ganoon ba? Sabi tuloy ni Willie Baldoria, nagiging “paboritong excuse ng gobyerno  na sign of economic growth daw ang trapik.”

Sabagay, ayon kay Benjamin Lim Vergara, isang beteranong peryodista, “minor lang naman ang traffic situation nung Friday. Parang 8 hours lang naging masikip.”

Kay Emmanuel Gaerlan Umali , mahirap talagang masolusyonan ang trapik kung mahigit 300,000 mga sasakyan ang nagsisiksikan sa Metro Manila.

Ang kanyang mungkahi:” Alisin ang mga Luma at lagyan ng LRT/MRT/PNR/bike lanes etc.”

Ganun din si Sid Argel: “Dapat tanggalin ang mga lumang kotse, jeepney na puro usok ang tambutso, bus na luman, mga tricycle na puro usok, lumang taxi at gawin ang kalsada sa gabi para bawas sa istrobo.”

Galit na galit tuloy si Eggay Rillo Mangubat. “Pakapalan na lang ng mukha yung mga taga DOTC/MMDA/LTFRB,” aniya “Katwiran ng mga ‘yan,’bahala na kayo sa buhay n’yo.’ ”

“Juicekopoh! 5 years na gang ngayon wala pa rin makitang solusyon ang MMDA sa problema,” hinaing si Eric Santos.

Buti naman nabisita sa ‘Pinas si Arturo Atega, isang kilalang Pinoy na urban planner sa Middle East. Nagmungkahi siya na baka kailang nang magkaroon ng isang “dedicated agency” na hahawak sa problema ng trapiko. ‘Di daw dapat ang Metropolitan Manila Development Authority.

“I am talking about an urban planning council or the like to come up with a coordinated transit and transport framework plan within the context of an approved master plan of the whole Metro Manila region.”

Ayon din kay Atega ‘mahirap sa MMDA na gawin ito dahil ito “administrative agency” lang.


Advertisement

Advertisement


“Itong urban planning authority na ito shall be staffed by professionals dedicated to architecture, urban planning, transit and transport planning, land use planning and economic planning. Kailangan i-retrofit ang mga kalsada natin to conform with the principles of NEW URBANISM na kung saan pedestrian ang priority at hindi sasakyan.”

Naniwala din si Atega na “kailangan (nang ) bawasan ang mga sasakyan para bumaba ang carbon footprint ng kapaligiran.”

Si Bienvenido Gonzales Jr. ay sang-ayon kay Transportaton and Telecommunication Secretary Joseph Emilio Abaya na ‘di talaga nakakamatay ang trapik.

Pero aniya,” Ingat siya baka siya ang mapatay!”

Credit to @AceAlmighty24 for meme.

Joel C. Paredes

Joel briefly served government as director-general of the Philippine Information Agency (PIA), although he has been a practicing journalist and writer for nearly 37 years. He led a team organized by the University of the Philippines Los Banos (UPLB)  and the Department of Environment and Natural Resources (DENR) that worked on the book entitled “Protecting our Natural Wealth, Enhancing our Natural Pride.”