Naalala ko  nung maliliit pa  kaming mga magkakapatid, lagi kaming naghihintay sa sulat o voice tape mula sa aming ina na nagtratrabaho sa ibang bansa.

Noong panahong ‘yon para makamusta mo ang kamaganak mo, kailangan  pang sumulat, mag-record ng boses sa cassette tape at tumawag sa telepono.

Ito ang mga paraan para maibsan ang kalungkutan ng bawat isa. Natatandaan  ko pa na bawat isa sa amin ay may sulat  kung saan nandoon lahat ang pangangamusta, paalala at tagubilin  ng aking ina.

Kung voice tape naman sama-sama kaming nakikinig sa sala at pakiramdam naming parang nandoon na din siya.   Lagi din kaming nakaantabay sa telepono. Bawal ang telebabad dahil kapag nakahanap siya ng tiyempo tumatawag naman siya mula sa hospital na kanyang pinapasukan.

Noon at Ngayon (OFW)
“Voice Tape” ang gamit noon upang marinig mo ang tinig at mensahe ng mahal mo sa buhay na nagtratrabaho sa malayong lugar.

Lumipas ang 23 taon at ako naman ngayon ang nasa ibang bansa para magtrabaho. Ngunut ibang-iba na ngayon ang pakakamustahan naming. Salamat sa teknolohiya at sumabay din sa pag unlad ang pamamaraan ng palitan ng mensahe.

Kung dati kailangan mo pang sumulat sa papel at ipadala sa post office ang sulat mo, ngayon  may email at messenger na kung saan pwede mo ng makausap ang pamilya mo ng “real time”.

Pwede mo din sila makausap at madinig ang boses sa pamamagitan  ng mobile phone o sa internet. Sa   sa voice call options o kung meron ka namang high-tech na telepono makakausap mo din sila ng hindi mo kailangan bayaran ang airtime.

Kung gusto mo naman sila makita pwede mo din gamitin ang video call option kung saan di mo lang sila nakakausap, masisilayan mo din sila.

Noon at Ngayon

Sadyang nakakatuwa ang himala ng teknolohiya. Ang malalayong distansiya  ay parang napapaikli dahil anumang oras mo naisin  makakausap mo na ang mahal mo sa buhay.

Kung merong emergency or may napakahalagang bagay na dapat sabihin at hindi pwedeng ipagpaliban sa isang pindut lang sa gadget mo  instant kausap mo na sila.

Hindi mo man maiwasan mag-ibang bansa dahil sa pangangailangan ng pamilya mo, naiibsan naman ang lungkot dahil ngayon ‘di mo na kailangan maghintay ng ilang araw para lang mabasa o madinig ang boses nila. Sa pamamatitan ng mga gadgets, ay parang nandiyan ka din kasama nila. Updated pa sa bawat pangyayari sa buhay nila.


Advertisement

Advertisement


Hershey Juezan

Si Herson Jose Juezan o "Hershey" ay nagtapos ng kursong Bachelor of Arts in Mass Communication sa San Sebastian College Recoletos. Siya ang panganay na anak nilla Dra. Evangeline Juezan at ng nasirang Jose P. Juezan, Mula ng yumao ang kanyang ama, siya na ang naging katuwang ng kanyang ina sa pagtataguyod ng pag aaral ng tatlo pa niyang kapatid. Sa kasalukuyan siya ay naka base sa Singapore at namamasukan bilang Insurance Agent. Sa kanyang libreng oras mahilig siyang magbasa ng mga artikulo sa internet, libro, manood ng pelikula, makinig sa musika at magluto.