Ano nga ba ang status ng FB ni Gil Lamuzan ngayong natapos na ang Undas?

Pagkatapos ng Undas, simoy Pasko na, at eto na ang pinakagusto kong status –

Ang Mga Pasyalan Tuwing Kapaskuhan – Payanig sa Pasig, Big Bang sa Alabang, Tagilid sa Taguig, Gulong sa Mandaluyong, Lupasay sa Pasay, Kulasisi sa QC, Sugapa sa Muntinlupa, Mananayaw sa Cabuyao, Upakan sa Bulacan, Gulo sa Iloilo, Saksakan sa Pandacan, Halikan sa Damuhan, Dayaan sa Halalan, Siraulong Kandidato, Tanim Bala sa NAIA, Trapik sa Edsa, Abuso sa Kalikasan, Pambababoy sa Kapaligiran, Walang Trabaho mga Tao, Balasubas na Mambabatas at Nakawan sa Pamahalaan …

May #hugot ka ba?

 

Sino nga ba si Gil Lamuzan?

Si Gil Lamuzan ay isang sikat na manunulat subalit wala ni isa sa mga myembro ng kanyang pamilya at kaibigan ang nagbabasa sa kanyang obra. Siya ay ipinanganak isang taon bago idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Batas Militar kung kailan ang lahat ng kanyang kalahi ay ikinulong sa salang “attempted jaywalking” sa kahabaan ng EDSA.

Ayon sa kanyang ina, si Gil ay ipinaglihi sa sama ng loob dahil sa kabiguan ng kanyang ama na makabili ng Turon Munggo, Ginatang Munggo at Ginisang Munggo. Dahil sa kabiguan na makabili ng pagkain na may munggo, inisip ng kanyang ama na iyon na ang “Katapusan ng Munggo.”


Advertisement

Advertisement


gil lamuzan

Si Gil Lamuzan ay isang sikat na manunulat subalit wala ni isa sa mga myembro ng kanyang pamilya at kaibigan ang nagbabasa sa kanyang obra.Nagtapos si Gil sa kanyang pag-aaral bitbit ang iba't ibang parangal, kabilang na ang Best in Uniform, May I Go Out Award at Special Award bilang “Pinakamaraming Nabiling Longganisa sa Mga Guro. Ika-sampu rin siya Top 10 Students of the Year (dahil sampu lang naman talaga ang bilang nila sa klase nuong panahon na iyon.)