Sa panahon ng mga Christmas party and salu salo, mag ingat sa kakainin at baka kayo matulad kay Manong Gil Lamuzan… Sige kayo…
cafefootpoisoning

Sino nga ba si Gil Lamuzan?

Si Gil Lamuzan ay isang sikat na manunulat subalit wala ni isa sa mga myembro ng kanyang pamilya at kaibigan ang nagbabasa sa kanyang obra. Siya ay ipinanganak isang taon bago idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Batas Militar kung kailan ang lahat ng kanyang kalahi ay ikinulong sa salang “attempted jaywalking” sa kahabaan ng EDSA.

Ayon sa kanyang ina, si Gil ay ipinaglihi sa sama ng loob dahil sa kabiguan ng kanyang ama na makabili ng Turon Munggo, Ginatang Munggo at Ginisang Munggo. Dahil sa kabiguan na makabili ng pagkain na may munggo, inisip ng kanyang ama na iyon na ang “Katapusan ng Munggo.”

gil lamuzan

Si Gil Lamuzan ay isang sikat na manunulat subalit wala ni isa sa mga myembro ng kanyang pamilya at kaibigan ang nagbabasa sa kanyang obra.Nagtapos si Gil sa kanyang pag-aaral bitbit ang iba't ibang parangal, kabilang na ang Best in Uniform, May I Go Out Award at Special Award bilang “Pinakamaraming Nabiling Longganisa sa Mga Guro. Ika-sampu rin siya Top 10 Students of the Year (dahil sampu lang naman talaga ang bilang nila sa klase nuong panahon na iyon.)