Ito na yata ang pinakamahirap at pinakamasakit gawin ng isang overseas Filipino worker, o OFW, sa tuwing siya ay aalis para makipagsapalaran sa ibang bansa.

Masasabi kong isa ako sa kanila. Sa tuwing nalalapit ang bakasyon nariyan ang maging excited, mamimili ng pasalubong, lubos ang kasiyahan dahil alam nating sa hinaba-haba ng panahon, sa wakas makakasama na natin ang ating pamilya!

Sa kabilang banda naroon ang lungkot, hikbi at sakit sa dibdib dahil alam nating ang sayang yuon ay panandalian lamang.

Habang papalapit ng papalapit ang petsa ng pagbalik natin, iniisip na natin ang mga mahal natin sa buhay na iiwanan na naman. At sa araw na iyon sa ayaw mo man o hindi, kailangan talikuran mo na naman sila para makipagsapalaran sa ibang bansa!

Sa bawat hakbang at paglayo sa kanila, patuloy ding umaagos ang ating mga luha, parang kinukurot ang ating mga puso habang tayo’y namamaalam sa ating mahal sa buhay.

TAMA! Itinuturing na BAYANI tayongmga OFW hanggang turing na lang ba? Hanggang bansag na lang ba?

Sana mabuksan ang isip ng mga namumuno sa ating gobyerno sa pagbibigay ng karagdagang pribilehiyo sa ating mga OFW, kasama na ang mga pamilyang naiiwan nila.

Dito mararamdaman ng bawat OFW ang halaga niya sa ating gobyerno!


Advertisement

Advertisement


Para kahit paano maibsan ang lungkot at kapalit ay PAG-ASA sa bawat patak ng luha na dumadaloy sa ating mga mata habang tayo ay papalayo sa ating pamilya.

ofw-003

Si Rainelda ay walong taon nang naninirahan sa Kuwait kung saan siya ay nagtratrabaho bilang customs service advisor. Habang siya ay nagtratrabaho kasama ang kaniyang asawa bilang mga OFWs, kanila munang dinala ang kanilang dalawang anak sa kaniyang mga magulang sa Iloilo.

Rainelda Garcera

Si Rainelda ay walong taon nang naninirahan sa Kuwait kung saan siya ay nagtratrabaho bilang customs service advisor. Habang siya ay nagtratrabaho kasama ang kaniyang asawa bilang mga OFWs, kanila munang dinala ang kanilang dalawang anak sa kaniyang mga magulang sa Iloilo.